SHANGHAI- Iginiit ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na ang ng US ng intermediate-range missiles sa Pilipinas “undermines regional peace and stability”, ayon sa foreign ministry nitong Linggo.
Sa kanyang pakikipag-usap kay South Korean Foreign Minister Cho Tae-yul sa New York nitong Sabado, ipinanawagan din ni Wang na iwasan ang “war or chaos on the Korean Peninsula”, ayon sa post ng ministry sa website nito.
Idineploy ng US ang Typhon system, na maaaring gamitan ng cruise missiles na kayang tamaan ang Chinese targets, nitong Abril ng taon.
Iginiit ng China na tanggalin ito, kung saan nakiisa na rin ang Russia sa pagkondena sa unang deployment ng system sa Indo-Pacific, at inakusahan ang Washington ng paggatong sa arms race.
Inihayag ni Wang na ang deployment “is not in the interests of regional countries”.
Sinabi naman ni Department of National Defense at Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na, “We should ask the Chinese foreign minister, ‘What about the illegal building of a Chinese military base in Scarborough Shoal?'”
Subalit, wala pang plano ang US na alisin ang Typhon mid-range missile system na naka-deploy sa Pilipinas sa gitna ng hirit ng China, ayon sa ulat.
“Kung ako ang masusunod, if I were given the choice, I would like to have the Typhon here in the Philippines forever dahil kailangan natin ‘yan para sa depensa natin,” sabi naman ni Armed Forces of the Philippines chief General Romeo Brawner Jr. nitong Miyerkules.
“Binanggit natin ‘yung intention natin na kung puwede ay manatili ‘yung Typhon dito sa Pilipinas. Wala pa, we’re still waiting for their response,” dagdag ng opisyal. RNT/SA