Home NATIONWIDE Pagkakatalaga kay Pangandaman sa Islamic bank, kinuwestyon ng ex-DOF official

Pagkakatalaga kay Pangandaman sa Islamic bank, kinuwestyon ng ex-DOF official

51
0

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ni dating Finance Undersecretary Cielo Magno ang pagkakatalaga kay former Budget Secretary Amenah Pangandaman bilang chairperson at chief executive officer ng government-owned Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines sa gitna ng hindi pa nalulutas na mga alegasyong nag-uugnay sa kanya sa maanomalyang flood control projects at kuwestiyonableng budget allocations.

Binigyang-diin ni Magno na hindi pa naiimbestigahan o nakakasuhan si Pangandaman kaugnay ng mga alegasyon bago ito itinalaga sa pamumuno ng government bank.

“Hindi naiimbestigahan, hindi nakakasuhan, pero na-appoint as CEO ng isang government bank,” sinabi ni Magno sa isang video na in-upload online.

“So, kung ikaw ang involved sa pagre-release ng pondo para sa flood control projects at biglang nag-resign ka, ngayon appointed as CEO ng isang government bank, anong tawag dito? Ano sa palagay ninyo? Rewarded?” dagdag niya.

Ipinagtanggol naman ng Malacañang ang appointment at sinabing hiwalay na usapin ang pagkakatalaga kay Pangandaman at ang mga alegasyon kaugnay ng flood control projects.

“Iba naman po ang usapin po kasi ng patungkol sa anomalya sa flood control projects. Kung meron po silang nakikitang mga ebidensya laban kay dating secretary Amenah Pangandaman, bukas po ang Pangulo sa anumang klase ng pag-iimbestiga,” sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro.

“Wala naman po sigurong masama kung i-appoint po niya ang isang taong sa tingin niya ay makakapagtrabaho nang maayos,” dagdag niya.

Nauna nang itinanggi ni Pangandaman ang mga alegasyong nag-uugnay sa kanyang tanggapan sa paggastos ng national budget funds.

Sinabi niyang walang sapat na tauhan ang Department of Budget and Management upang isa-isang beripikahin ang bawat proyektong inihahain ng Department of Public Works and Highways.

Nauna na ring sinabi ng Office of the Ombudsman na iimbestigahan nito ang posibleng pagkakasangkot ni Pangandaman sa flood control controversy.

Nagbitiw si Pangandaman bilang DBM secretary noong Nobyembre 2025 dahil sa “delicadeza” sa gitna ng mga alegasyong nag-uugnay sa kanya sa isyu.

Inakusahan siya ni fugitive former congressman Zaldy Co na nagsabing ipinaalam umano ni Pangandaman sa kanya na iniutos ni President Ferdinand Marcos Jr. ang pagpasok ng ₱100 bilyong halaga ng mga proyekto sa bicameral conference para sa 2025 national budget.

“Nagsimula ito noong tumawag si Sec. [Amenah] Pangandaman sa akin noong nag-umpisa ang bicam process last year 2024. Ang sabi niya, katatapos lang ng meeting nila ni Pangulo at may instructions na mag-insert o magpasok ng P100 billion worth of projects sa bicam,” sinabi ni Co.

Nauna nang itinanggi ni Marcos ang alegasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here