Home NATIONWIDE Pagkalap ng school counselor associates, pinabibilis ni Gatchalian vs karahasan

Pagkalap ng school counselor associates, pinabibilis ni Gatchalian vs karahasan

1
0

MANILA, Philippines – Matinding kinalampag ni Senate President Sherwin “Win” Gatchalian ang Department of Education (DepEd) sa pamamuno ni Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara na pabilisin ang pangangalap ng school counselor associates sa gitna ng lumalalang karahasan sa paaralan.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na kailangan nang pabilisin ang pagkuha ng school counselor associates para sa lahat ng pampublikong paaralan upang maiwasan kundi man tuluyan masawata ang dumadarami at lumalalang kaso ng karahasan.

Naglaan ang 2026 national budget ng P2 bilyon para kumuha ng 10,000 School Counselor Associates I, alinsunod sa Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act (Republic Act No. 12080).

Mandato ng naturang batas ang pagbuo at pagpapatupad ng School-Based Mental Health Program upang itaguyod ang mental health at kapakanan ng mga mag-aaral.

Upang tugunan ang kakulangan ng guidance counselors sa mga pampublikong paaralan, lumikha ang batas ng mga posisyong School Counselor Associate para tumulong sa pagpapatupad ng School-Based Mental Health Program.

“Naglaan tayo ng pondo para sa pagkuha ng mga School Counselor Associate upang gabayan ang mga mag-aaral sa paghubog ng mabuting asal at matiyak ang kanilang maayos na kalagayang pangkaisipan at emosyonal,” ani Gatchalian.

Para maging kwalipikado bilang School Counselor Associates, kailangan ang isang kandidato ay mayroong Bachelor’s Degree in Guidance and Counseling o Psychology, o anumang Bachelor’s Degree na hindi bababa sa 18 units sa alinman sa dalawang larangang ito.

Maaari ring maging kwalipikado ang mga nagtapos sa related degree programs kung nakatapos sila ng hindi bababa sa 18 units ng Behavioral Science, kabilang ang 200 oras ng supervised practicum o internship sa guidance and counseling, lalo na sa mga paaralan o komunidad. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here