Home NATIONWIDE Pagkamatay ng Grade 11 sa hazing sa N. Ecija kinondena sa Senado

Pagkamatay ng Grade 11 sa hazing sa N. Ecija kinondena sa Senado

MANILA, Philippines- Matinding kinondena ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri ang panibagong pagkamatay ng isang estudyante sa hazing na naganap sa San Leonardo. Nueva Ecija nitong Linggo.

Sinabi ni Zubiri, pangunahing awtor ng Anti-Hazing Law, na namatay si Ren Joseph Bayan, isang 18 taong gulang na Grade 11 sa San Pablo National High School sa Jaen, Nueva Ecija. Naganap ang hazing sa San Leonardo sa Nueva Ecija.

“We strongly condemn in the strongest possible terms the senseless and brutal death of 18-year-old Nueva Ecija Grade 11 student Ren Joseph Bayan, another young man fallen victim to the brutality of hazing,” ayon kay Zubiri.

Sinabi ni Zubiri na isa na naman itong” heartbreaking and tragic case of a life” na pinaiksi sanhi ng barbarikong gawain at nangyari ang trahedya sa panahon ng isang pamilya na naghihintay ng katarungan sa pagkamatay ni Atio Castillo alinsunod sa itinakda ng Anti-Hazing Act of 2018.

“Bilang isang magulang, napakasakit po ang mawalan ng anak sa walang katuturang karahasan. Ilang pamilya pa ba ang magluluksa at magdadalamhati dahil sa kasumpa-sumpang tradisyon na ito?” ayon kay Zubiri.

“Walang dahilan at walang puwang ang hazing sa ating lipunan. It is a crime, plain and simple. Those who participate in or enable such murderous criminal acts must face the full force of the law.”

“Tayo po ay author at sponsor ng Anti-Hazing Act of 2018. Inamyendahan, pinalakas at pinatibay po natin ang batas kontra sa hazing dahil nga sa nangyari kay Atio Castillo, whose case would be decided today hopefully giving justice to his senseless death,” giit pa ng senador.

“We can no longer tolerate and protect these fraternities that couch their violence and abuse in the guise of brotherhood. We need to put these suspects behind bars and show these fraternities that their days of violence are over,” dagdag ng mambabatas.

Nanawagan din si Zubiri sa awtoridad na kumilos kaagad at hanapin at papanagutin ang mga responsable sa krimeng ito.

“There is no excuse for this kind of barbarism, and those who take part in these deadly rites must be brought to justice immediately,” pahayag niya.

“It is infuriating that we still lose young lives to hazing despite the legal safeguards already in place,” dagdag ng senador.

Buong pusong nakiramay naman si Zubiri sa pamilya ng biktima. “To the family of the victim, my deepest sympathies go out to you. I cannot imagine the pain and suffering you are going through right now.”

“Sana magsilbi na itong wake-up call sa lahat ng fraternities at iba pang organisasyon. Hindi tayo titigil hanggang makamit ang hustisya at masugpo ang mga ganitong klaseng karahasan,” sabi ni Zubiri. Ernie Reyes