Home NATIONWIDE Pagkansela sa registration ng An Waray, kinatigan ng SC

Pagkansela sa registration ng An Waray, kinatigan ng SC

MANILA, Philippines – Sa botong 14-1, pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang resolusyon ng Commission on Elections (Comelec) na ikansela ang registration ng An Waray party-list.

Sinabi ng SC En banc, may ekslusibong hurisdiksyon ang Comelec sa patakaran hinggil sa pagkansela ng party-list registrations sa ilalim ng Party-List System Act.

Nitong Hunyo 2023, kinansela ng Comelec Second Division ang registration ng party-list sa pag-upo ng second nominee na si Victoria Isabel Noel bilang kinatawan sa Kamara ng walang kaukulang kapangyarihan.

Kinatigan ng Comelec En Banc ang resolusyon ng Second Division at ibiansura ang motion for reconsideration ng An Waray party-list.

Dahil dito, iniakyat ng partylist group ang kaso sa SC at kinuwestyon ang hurisdiksyon ng Comelec sa pagkansela ng kanilang registration dahil ang Kamara na umano ang may sakop sa kanilang kaso.

Sinabi ng SC na limitado lamang ang hurisdiksyon ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) sa mga kuwestyon kaugnay sa eleksyon, returns at kwalipikasyon ng mga kasalukuyang miyembro ng HRET.

Ayon sa Mataas na Hukuman, hindi pasok sa mga kaso na maaring hawakan ng HRET ang kaso ng An Waray.

Nilabag ng party-list ang NBOC Resolution No. 13-030(PL)/ 0004, na nagdedeklara sa An Waray na mabigyan ng isang seat ng payagan nito na maupo rin ang kanilang second nominee na si Victoria Noel.

“Further, the Court held that, although it is An Waray which is voted for in the ballots during elections, it does not become a “Member” of the HoR. Rather, it is its nominee who assumes as HoR Member, and who must have the qualifications and none of the disqualifications.”

Iginiit rin ng SC na hindi nakagawa ng grave abuse of discretion ang Comelec ng ikansela nito ang refistration ng An Waray.

The registration was cancelled based on Section 6(5) of the Party-List System Act, which states that violation of election laws, rules, or regulations is a ground for the cancellation of a party-list’s registration.” TERESA TAVARES