Home METRO Top 7 MWP ng Capiz nasakote sa Parañaque

Top 7 MWP ng Capiz nasakote sa Parañaque

174
0

MANILA, Philippines – Sa pangunguna ng District Special Operations Unit-Southern Police District (DSOU-SPD) kabilang ang Maayon Municipal Police Station (MPS), Pontevedra MPS, DID-SPD, at ng Parañaque City police ay nadakip sa ikinasang operasyon ang Top 7 provincial most wanted person (MWP) ng Capiz sa Parañaque City Lunes ng hapon, Setyembre 16.

Kinilala ni SPD director P/Brig. Gen. Leon Victor Rosete ang nadakip na suspect na si alyas Patrick, 33, tinaguriang Top 7 MWP ng Capiz.

Ayon kay Rosete, inaresto ng mga pinagsanib na operatiba ng iba’t-ibang sangay ng kapulisan si alyas Patrick dakong alas 3:40 ng hapon sa isang subdibisyon sa lungsod.

Sinabi ni Rosete na naisakatuparan ang pagdakip sa suspect sa bisa ng isinilbing warrant of arrest na inisyu ni Capiz RTC Presiding Judge Lorencito Belo Diaz ng Branch 17, Roxas City, dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Sa pag-aresto kay alyas Patrick ay nakuha pa sa kanyang posesyon ang isang 1911 9mm kalibre pistola na kargado ng limang bala at isang inside holster.

Bukod sa kasong RA 9165 ay nahaharap pa sa karagdagang kaso na paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang suspect na kasalukuyan nakapiit sa custodial facility ng DSOU habang inaayos ang pagdodokumento sa kanyang pangangalaga ng Capiz MPS. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here