Home METRO Pagkasawi ng 3 jeepney drivers sa ‘heat stroke’ iniimbestigahan

Pagkasawi ng 3 jeepney drivers sa ‘heat stroke’ iniimbestigahan

MANILA, Philipines- Namatay ang tatlong jeepney drivers sa Pangasinan dahil umano sa heat stroke dulot ng matinding init, ayon sa ulat.

Iniimbestigahan na ng One Pangasinan Transport Federation (OPTF) kung ang pagkasawi ng dalawang driver mula sa bayan ng Calasiao at isang driver mula sa eastern Pangasinan ay konektado sa mataas na heat indices na naranasan sa bansa.

“Lagi ko sinasabi na talagang mainit yung panahon, tulad ngayon itong oras na ito. Magpahinga lang sila. Huwag nilang ipilit kung talagang hindi nila kaya  para was din sa trouble,” pahayag ni OPTF President Bernard Tuliao. 

Nauna nang sinabi ng PAGASA na inaasahan ang dangerous level ng heat indices hanggang 47°C sa mahigit 30 lugar noong Lunes, Mayo 6.

“’Yung mga nasa labas na mga traffic aids natin, mga policemen, mga delivery men, mga jeepney drivers, dapat may baon sila na tubig. Tricycle drivers, ganun po. Dapat handa po sila laging may dalang tubig,” pahayag ni Dagupan Health Officer Ophelia Rivera. 

Mahigit 1,000 ektarya ng mais naman ang apektado ng matinding init sa bayan ng Madela sa Quirino. RNT/SA