Home NATIONWIDE Pagkuha ng hitman ni VP Sara ‘di na kailangang patunayan; pagbabanta, sapat...

Pagkuha ng hitman ni VP Sara ‘di na kailangang patunayan; pagbabanta, sapat na! – House prosecution

1
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, isa sa mga House prosecutor, na hindi na kailangang patunayan na totoong kumuha si Vice President Sara Duterte ng assassin upang patayin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Chua, ang pangunahing isyu sa impeachment ay ang umano’y pagbabanta ng Bise Presidente, hindi kung may nahanap na assassin ang mga awtoridad.

Ipinaliwanag niya na iba ang impeachment sa kasong kriminal. Aniya, layunin ng impeachment na alamin kung karapat-dapat pa bang manatili sa puwesto ang isang opisyal, hindi ang patunayang nagkasala siya nang lampas sa makatwirang pagdududa.

Sinabi rin ni Chua na ang mga pahayag ni Duterte ay maaaring ituring na paglabag sa Konstitusyon dahil may tungkulin ang Pangulo at Bise Presidente na sundin at ipatupad ang batas.

Inaasahang magpapatuloy ang paglilitis sa Senado, kung saan nakatakdang tumestigo si Office of the Vice President chief of staff Zuleika Lopez. Tumanggi naman si Chua na ibunyag ang detalye ng magiging testimonya nito upang hindi maapektuhan ang kaso ng prosekusyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here