Home NATIONWIDE Paglalabas ng warrant of arrest laban kay VP Sara, iginagalang ng Malakanyang

Paglalabas ng warrant of arrest laban kay VP Sara, iginagalang ng Malakanyang

1
0

MANILA, Philippines – GINAGALANG ng Malakanyang ang inilabas na warrant of arrest ng korte laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa naging mensahe ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, sinabi nito na ginagalang ng Malakanyang ang anumang desisyon o kautusan ng korte.

Iyon nga lamang, hindi na nagbigay pa ng dagdag na pahayag si Castro kaugnay sa warrant of arrest na inisyu ng Quezon City RTC kay VP Sara makaraan itong kasuhan ng grave threats sa local court.

Ang paglalabas ng warrant of arrest laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa kanyang pahayag online na ipapapatay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at Leyte Rep. Martin Romualdez ay nagpapakita ng sapat na batayan sa kasong grave threats na inihain laban sa kanya, ayon kay Lanao Del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, spokesperson para sa House impeachment prosecution panel.

Matatandaan na nitong Biyernes, Setyembre 4 ay nagpalabas ang Quezon City Regional Trial Court ng warrant of arrest para sa three counts ng grave threats na inihain ng Department of Justice laban sa Bise Presidente. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here