Home NATIONWIDE Paglangoy ng mga paslit sa baha, ipagbabawal ng DOH

Paglangoy ng mga paslit sa baha, ipagbabawal ng DOH

MANILA, Philippines – Irerekomenda ni Health Secretary Ted Herbosa, sa local chief executives na pagbawalan ang mga tao partikular ang mga bata sa paglalangoy sa mga tubig baha dahil sa panganib na magkaroon ng leptospirosis.

Ito ay kasunod ng pagtaas ng bilang ng kaso ng naturanmg sakit matapos ang matinding pagbaha sa ilang lugar dahil sa patuloy nap ag-ulan dala ng bagyong carna at habagat.

Ito rin ang nag-udyok sa DOH na ipag-utos ang pag-activate sa surge capacity plan sa mga ospital sa ilalim ng pangangasiwa nito sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Herbosa, kakausapin nito ang MMDA upang masiguro na ma-regulate ang pagbabawal ng mga local executives sa mga bata at mga tao na nakatambay lang sa tubg baha.

Kailangan aniyang matiyak na maprotektahan ang kanilang kalusugan at hindi nagkakaroon ng outbreak.

Sinabi rin ni Herbosa na plano rin nito na kausapin si Education Secertary Sonny Angara upang simulan ang pagtuturo sa mga bata na hindi sila dapat lumusong sa baha.

Ayon kay Herbosa, nasa apat na indibidwal na ang iniulat na namatay dahil sa leptospirosis.

Kinumpirma naman ni DOH spokesperson Assitant secretary Albert Domingo ang apat na nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Carina.

Nauna nang sinabi ng DOH na 67 kaso ng leptospirosis ang naitala mula Hulyo 14-27 ngunit maaring naantala lamang ang mga ulat.

May kabuuang 1,444 na kaso ng leptospirosis ang naitala ngayong taon mula Enero 1 hanggang Hulyo 27. Mas mababa ito ng 42% kumpara sa 2,505 na kaso sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Nasa 162 na rin ang nasawi dahil sa leptospirosis sa taong ito.

Dahil dito, imumungkahi din niya sa MMDA na magkaroon ng mas maayos na solid waste management para maitaboy ang mga daga.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)