Home NATIONWIDE Paglikha ng fact-checking body, oks sa PCO

Paglikha ng fact-checking body, oks sa PCO

255
0

MANILA, Philippines – Suportado ng Presidential Communications Office (PCO) ang paglikha ng isang independent fact-checking body, kahit pa binigyang-diin nito na ang pampublikong pagpapabula at koordinasyon sa mga law enforcement ay nananatiling pangunahing pagtugon ng gobyerno sa ‘false online content.’

Ipinahayag ito ni PCO Undersecretary Ramon Ilagan sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media ukol sa panukalang batas laban sa fake news at online disinformation.

Nilinaw naman ni Ilagan na ang PCO ay walang kapangyarihan na magbigay ng kautusan na agad na alisin ang false content. Ang mandato kasi ng ahensiya ay tutukan ang public education.

“As far as PCO is concerned, that’s really beyond our control to take down. Ours is really to educate our people,” ayon kay Ilagan.

Aniya, inilunsad ng PCO ang media at information literacy campaign noong 2023 para tulungan ang mga Filipino na tukuyin at kilalanin nang mabuti ang fake news, misinformation, at disinformation, at tinukoy ang malawak na saklaw ng pinsala na dulot ng false information.

“Naniniwala po talaga ang PCO diyan na because of the spread of fake news talaga, andami pong naaapektuhan,” dagdag pa ni Ilagan.

Ani Ilagan, ang kampanya, tinawag niyang “Maging Mapanuri,” ay naglalayon na hikayatin ang mga Filipino, lalo na ang mga kabataan, na maging ‘critical at discerning consumers’ sa online content.

Ukol naman sa pagpapatupad, sinabi ni Ilagan na ang agarang pagtugon ng gobyerno sa false information ay sa pamamagitan ng “publicly debunk it” habang nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa ilalim ng umiiral na batas.

“The first thing we do really… is to debunk ‘yun pong maling information,” ang sinabi ni Ilagan, idinagdag na nakikipagtulungan sila sa Department of Information and Communications Technology, Philippine National Police, at National Bureau of Investigation sa ilalim ng anti-cybercrime statutes.

Samantala, sinabi naman ni PCO Undersecretary Precious Castelo na suportado ng ahensiya ang legislative proposals na naglalayon na palakasin ang ‘accountability at transparency’ sa digital platforms.

Tinukoy nito ang panukalang Senate Bill No. 1441, o Social Media Fairness and Algorithmic Transparency Act of 2025, at inendorso ang paglikha ng Digital Media Integrity Council.

“Mas gusto po naming tawagin itong false information kaysa fake news,” ayon kay Castelo, binigyang-diin ang pangangailangan para sa malinaw na ‘standards at independent fact-checking’ para madetermina kung ang online content ay misleading. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here