MANILA, Philippines – Inaasahang mag-iimport ang Pilipinas ng 3.6 hanggang 3.8 milyong metric tons (MT) ng bigas sa 2026, matapos ang apat na buwang import ban para patatagin ang bumababang farm-gate prices, ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. noong Martes.
Kasama sa projection ang forecast na palay production sa susunod na taon na aabot sa 20.3 milyong MT, sapat para matugunan ang pangangailangan ng bansa nang hindi bumabagsak ang presyo.
“The tariff increase reflects several realities—the recent depreciation of the peso and the likelihood of higher global prices once the Philippines reenters the market,” ani Tiu Laurel, na ang rice tariff ay itataas sa 20% mula sa kasalukuyang 15%.
Upang maibsan ang pressure sa cash-flow ng mga importer, aalisin ang 10% down payment requirement sa SPIC issuance.
Limitado sa 17 ports nationwide ang rice importation mula Enero hanggang Pebrero, at hinihikayat ang importers na kumuha ng bigas mula sa ibang bansa gaya ng Cambodia, Myanmar, at iba pang non-traditional suppliers, bukod sa Vietnam. Santi Celario