Home HOME BANNER STORY Pagluluksa ng pamilya Cabral, pagbigyan natin – Lacson

Pagluluksa ng pamilya Cabral, pagbigyan natin – Lacson

298
0

MANILA, Philippines – Naniniwala si Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na may tamang panahon at lugar ang pagtuklas ng awtoridad sa mga files ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catalina Cabral na kanyang ibinahagi bago pumanaw.

“I’d rather give first the late Undersecretary Cabral’s family some space to grieve and mourn their loss,” aniya sa mensahe sa reporters.

Sinabi ni Lacson na palagi nitong pinaalalahanan ang kanyang staff na ipunin ang ibinigay ang anumang dokumento na mayeroon siya , kahit nanggaling man kay Cabral o sa ibang sources, sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), Office of the Ombudsman o Department of Justice.

“[We] have been consistently doing [this] since the time I delivered my two privilege speeches all the way to the Senate [Blue Ribbon Committee or] BRC investigations,” aniya.

Sa mga naunang pahayag, sinabi ni Lacson na ‘unfortunate at tragic” ang pagkamatay ni Cabral na maaaring malaki ang maitutulong sa paglalantad ng lawak ng korapsiyon sa flood control scandal.

Kaya umaasa si Lacson, chairman ng BRC na nag-imbestiga sa eskandalo, n nakapag-iwan si Cabral ng ilang notes o files na maaaring makatulong o may kahalagahan bilang ebidensiya na maaaring sundan ng imbestigasyon.

Sa pamamagitan ng kanyang abogado, nakipagkita si Cabral sa kanya kasama ang dalawa nitong legislative staff Alinsunod sa sariling inisyatiba ng dating opisyal hinggil sa paunang diskusyon kung paano siya tutuloy sa testimonya sa Blue Ribbon Committee.

Nangyari ito pagkatapos ng banggitin siya ni former DPWH Undersecretary Roberto Bernardo sa kanyang sworn testimony.

Sa panahon na iyon, sinabi ni Lacson na nakikitaan niya ang senyales na makikipagtulungan sa kanilang imbestigasyon pero may mabigat na dinadala na hindi nila maipaliwanag.

“What bolstered my confidence was her lawyer’s statement that she could completely put her trust in me being the chairman of the Blue Ribbon Committee, with the knowledge that I have never dipped my fingers in any of the lists of projects – ‘pork’, ‘allocables’ or whatever name/s invented that she used to prepare for legislators and other personalities, she being the Usec for Planning,” ayon kay Lacson. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here