Inihain na ng FPJ Panday Bayanihan ang kanilang COC sa Comelec sa pangunguna ni 1st nominee Brian Llamenzares Poe kasama ang kanyang ina na si Senador Grace Poe. Crismon Heramis
Isa sa pangunahing dahilan ng pagkabig ng simpatiya ng masa ng FPJ Panday Bayanihan ang walang hanggang pagmamahal ng mga tao sa dating aktor at tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino Fernando Poe Jr.
Ang direktang pakikitungo ng unang nominado ng Panday Bayanihan na si Brian Poe sa ibat-ibang sektor ay upang mapakinggan at inaalam ang makabuluhang pananaw at rekomendsayon ng bawat sektor kung saan magkatuwang na binabalangaks ang mga agenda ng mamamayan.
Ang dedikasyon ni Brian Poe ay sumasalamin sa hangarin ng kanyang lolo na si FPJ na walang hangganang maglingkod sa bayan.
Ang representasyon ni FPJ sa katayuan ng masa sa pelikula ay tinugon ng mga bumotong publiko nang tumakbo si FPJ bilang Pangulo.
“Aking naiintindihan at naramdaman na kailangan kong makipag-ugnayan sa pamamagitan ng isang malakas na mensahe upang samahan ang mamamayan sa pagkamit ng isang makabuluhang pagbabago“ saad ni Brian Poe.
Sa ginanap na isang consultative meeting ng Filipino Muslim ay inihayag ng mga lider at kinatawan ng Rizal Muslim Consultative Council (MCC), Cainta Muslim Affairs Office, Muslim Communities ng Munisipalidad ng Rodriguez, Rizal, Salaam Police Advocacy Group (SPAG), at United Cavite Muslim Communities ang kanilang pagsuporta sa FPJ Panday Bayanihan partylist.
Aminado ang batang Poe na nararamdaman niya na kailangan makaipag-ugnayan sa pamamagitan ng isang malakas na mensahe upang samahan ang mamamayan sa pagkamit ng isang makabuluhang pagbabago. RNT