Home NATIONWIDE China Coast Guard pinalagan ng PCG sa Zambales

China Coast Guard pinalagan ng PCG sa Zambales

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na pinadalhan ng radio challenge ng BRP Teresa Magbanua ang barko China Coast Guard na namataan sa karagatan ng Zambales.

Sa pahayag, sinabi ng PCG na ang barko ng CCG ay naispatan 70-80 nautical miles mula sa baybayin ng Zambales at nagpapakita ng “eratic movements”.

Sa isang pagpapakita ng kanilang pangako sa pagprotekta sa maritime sovereignty ng bansa, patuloy na hinamin ng mga tripulante ng BRP Teresa Magbanua sa pamamagitan ng radyo challenege ang mga sasakyang pandagat ng China.

Ayon sa PCG, ipinaalam sa kanila na sila ay tumatakbo sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Nilinaw din aniya ng mga tripulante ng PCG na ang CCG ay walang legal na awtoridad na magpatrolya sa loob ng EEZ ng Pilipinas at inutusan silang umalis kaagad.

Napansin ng PCG na ang CCG vessel 3103 ay pinalitan ng vessel 3304 bandang hapon.

Sa kabila nito, sinabi ng PCG na ang layunin ng Chinese deployment ay nanatiling pareho.

Nauna nang sinabi ng PCG na ang CCG vessel 5901 , na tinatawag na “monster ship” ay umalis mula karagatan ng Zambales matapos itong maispaatan sa lugar noong Enero 4.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)