PAGPAPABABA sa edad ng senior citizen ang Isa sa pangunahing tututukan ni Senator Bong Revilla Jr.
Sa panayam Kay Revilla matapos itong mag-ikot kasama ang mga kinatawan ng Agimat Partylist sa ilang bayan sa Rizal, sinabi nito marami ang natuwa matapos niyang ianunsyo sa campaign rally ng Alyansa sa Bagong Pilipinas na ginanap sa Antipolo na gagawin niyang 56 na lamang ang edad ng Isang tao para siya ay ituring na Senior Citizen.
Kabilang din sa isusulong ni Revilla pagpapataas sa sweldo ng tao, kayat ipagpapatuloy niya ang pagsusulong sa senado ng P150 across the board wage increase.
Pumasa na umano ito sa house at sa Senate at magba bicam na lamang, sa house umano ay P200 habang sa Senate ay P100 at Pag nagsalubong halfway ay malamang ang P150.
Sa ginawang pag-iikot ni Revilla sa ilang bayan Antipolo, Cainta Taytay Angono sa, nagpasalamat ito sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga Rizalenyo na kahit umulan at umaraw ay hindi umaalis sa kalye.
Samantala, sa usapin na kampanya, umaabot na umano sa 80 porsyento ang kanilang inabot sa kampanya dahil hindi naman siya huminto mula noong 2019 na ma elect siya, tuluy tuloy ang kanyang pag-iikot at tinitingnan ang kalagayan ng mga kababayan, sa Kasalukuyan umano ay polishing na lang ang ginagawa nila upang ipaalam ang mga nagawa at gagawin pa. RNT