Home NATIONWIDE Pagpapababa sa retirement age ng gov’t workers sa 56, aprub sa House...

Pagpapababa sa retirement age ng gov’t workers sa 56, aprub sa House panel

103
0

MANILA, Philippines — Suportado ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang panukalang batas na aprubado na sa House Committee on Government Enterprises na naglalayong ibaba sa 56-anyos ang optional retirement age ng mga government employee kabilang ang mga public school teacher.

Noong Huwebes, inaprubahan ng komite ang House Bill No. 207 na inakda nina Tinio at Kabataan Party-list Rep. Renee Louise Co.

Layunin ng panukala na amyendahan ang Section 13-A ng Republic Act No. 8291 o GSIS Act of 1997 na kasalukuyang nagtatakda ng optional retirement age sa 60-anyos para sa mga kawani ng gobyerno.

“The committee approval of HB 207 is an important step toward a more humane retirement policy for teachers and government workers who have devoted their lives to public service,” ani Tinio sa isang pahayag.

“This bill gives them a real choice to retire earlier at 56, after years of exhausting work that takes a toll physically, emotionally, and psychologically,” dagdag pa niya.

Ayon kay Tinio, matagal nang hinihiling ng mga guro ang naturang hakbang dahil marami sa kanila ang napipilitang magtrabaho hanggang sa pagtanda kahit may iniinda nang sakit at pagod dulot ng trabaho.

Binigyang-diin din niya ang mabibigat na kondisyon sa mga pampublikong paaralan kabilang ang malalaking klase, mataas na pupil-teacher ratio at trabaho na lampas pa umano sa regular na oras.

Aniya, bukod sa pagtuturo ay pasan din ng mga guro ang advisory loads, paperwork at iba pang tungkulin kahit sa panahon ng bakasyon.

“Public school teachers often leave the profession not with satisfied smiles but with illnesses. Their retirement benefits end up going to medical bills instead of rest, family needs, or building a small livelihood,” ani Tinio.

Dagdag pa niya, usapin umano ito ng dignidad at pagkilala sa sakripisyo ng mga guro at government workers.

Nilinaw naman ng mambabatas na hindi babaguhin ng panukala ang compulsory retirement age kundi magbibigay lamang ng opsyon sa mas maagang pagreretiro para sa mga nais nang magpahinga.

“We are addressing concerns on sustainability while pursuing what is right for our teachers and government employees,” aniya.

Hinimok din niya ang liderato ng Kamara na pabilisin ang pagtalakay sa HB 207 sa plenaryo at nanawagan sa Senado na magpasa rin ng counterpart measure upang agad itong maging batas.

“Karapat-dapat lang na mabigyan ng opsyon ang mga guro at kawani ng gobyerno na magretiro nang mas maaga para maranasan nila ang mas mahaba at mas malusog na panahon ng pahinga,” ani Tinio. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here