Home NATIONWIDE Pagpapairal ng amnesty programs para sa natitirang rebelde pinapapaspasan

Pagpapairal ng amnesty programs para sa natitirang rebelde pinapapaspasan

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni  Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. na agad na ipatupad ang amnesty program para sa natitirang communist rebels, ayon kay National Security Adviser Eduardo Año nitong Huwebes.

”The President has directed the immediate implementation of the amnesty program for the remaining members of the CPP-NPA-NDF since Congress has already concurred with the proclamation,” pahayag ni Año sa isang Palace press briefing.

Kasunod ito ng 5th National Task Force To End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Committee Meeting kasama ang Pangulo sa Heroes Hall sa loob ng Palace compound.

Nauna nang ipinanawagan ni Año sa mga dating miyembro ng rebel groups na makibahagi sa amnesty program ng pamahalaan, na nagsimula nang tumanggap ng aplikasyon.

Hinikayat niya ang mga miyembro ng sumusunod na grupo na pakinabangan ang amnesty program:

  • Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian-Army/Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB)

  • Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF)

  • Moro Islamic Liberation Front (MILF)

  • Moro National Liberation Front (MNLF)

Sa kasalukuyan, mayroong 1,500 aplikante sa amnesty program ng pamahalaan, batay kay Año. RNT/SA

Previous articleOras ng trabaho sa mga korte binago sa matinding init – SC
Next article24-oras na road repairs gugulong sa sunod na linggo – MMDA