Home NATIONWIDE Pagpapakawala ng tubig sa dam tinapos na agad, nagtitipid para sa El...

Pagpapakawala ng tubig sa dam tinapos na agad, nagtitipid para sa El Niño

2
0

MANILA, Philippines – Tinapos na ng National Power Corp. (NPC) ang pagpapakawala ng tubig mula sa spillway gates ng San Roque Dam nitong gabi ng Martes, Setyembre 8.

Ito ay batay sa Notice on Dam Discharge Warning Operation na inisyu ng NPC San Roque Dam Office.

“Based on simulations yesterday, the inflows for San Roque Dam is now manageable. We also want to balance the water from the reservoir in consideration of the strong El Niño that we are anticipating,” sinabi ni Ma. Teresa Serra, acting manager ng NPC Dams Management Department sa panayam ngayong Miyerkules.

Aniya, ang low-level outlet, na naunang ginamit para pangasiwaan ang inflow sa dam ay nananatiling sarado.

“The management of inflows to the dam will again be through the turbine generation,” sinabi ni Serra.

Matatandaan na nagbukas ng dalawang gate sa San Roque Dam noong Setyembre 2 dahil sa mataas na lebel ng tubig.

Ang dalawang gate ng dam na binuksan ay may kabuuang dalawang metro na katumbas ng pagpapakawala ng tubig ng 300 cubic meters per second.

Sa huling ulat ay nasa 277.37 metro ang lebel ng tubig sa dam mula sa 280 meter na spilling level nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here