MANILA, Philippines – NAGTALAGA ang Sweden ng isang defense attache sa embahada nito sa Maynila bilang ‘key liaison’ o pinakamahalagang tagapag-ugnay sa pagsusulong ng strategic engagement nito sa rehiyon habang hangad naman na mapalakas pa ang military cooperation sa Pilipinas.
Si Bangkok-based Lieutenant Colonel Anders Nikanorsson ang magisilbi bilang bagong non-resident defense attaché ng Sweden.
Para sa Swedish government, ang hakbang ay “significant step forward” nito sa defense ties sa Pilipinas.
“I am deeply honored and genuinely excited to take on this assignment. The Philippines holds a pivotal position in the Indo-Pacific, both geographically and strategically,” ang sinabi ni Nikanorsson sa isang kalatas.
Ang kanyang appointment ay inanunsyo matapos na magdesisyon ang Pilipinas na magpadala ng isang defense attache sa Sweden.
“As a maritime nation committed to international law and regional stability, it is a natural partner for Sweden in promoting a rules-based global order and enhancing security cooperation,” ang sinabi ni Nikanorsson.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni Anna Ferry, ambassador of Sweden to the Philippines, na ang presensiya ni Nikanorsson ay “ensures a direct and informed dialogue with our counterparts in the Philippines.”
“His extensive experience as a senior defense officer significantly strengthens our capacity to engage on critical security and defense issues,” ani Ferry.
“This addition deepens our understanding of regional dynamics from both military and strategic perspectives,” dagdag na pahayag nito.
Bilang bahagi ng mas pinalawak na defense strategy nito, pinaigting ng Sweden ang ugnayan nito sa Indo-Pacific, kinikilala ang geopolitical significance ng rehiyon at epekto nito sa ‘global security at katatagan.’
Hangad ng Pilipinas, sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na palawigin ang alyansa nito at i-upgrade ang defense capabilities nito habang hinaharap ang umiigting na agresibong Tsina sa resource-rich South China Sea, na sumiklab nitong mga nakaraang taon.
Sangkot sa years-long disputes ang mga bansang Vietnam, Malaysia, Brunei, at Taiwan. Kris Jose