Home NATIONWIDE Fair Debt Collection Act ikinasa vs abusadong online loan firm

Fair Debt Collection Act ikinasa vs abusadong online loan firm

241
0

MANILA, Philippines – Ipinangako ni Senador Sherwin Gatchalian na pananagutin ang mga mapang-abusong online lending company sa ilalim ng Fair Debt Collection Practices Act, isa sa kanyang priority measures para sa 20th Congress na isinampa ngayong araw.

“Hindi makatao ang paniningil nang may pananakot at pang-aabuso, lalo na sa mga mahihirap nating kababayan na kapit sa patalim kaya nangungutang,” sabi ni Gatchalian.

Halimbawa na lang ang kaso ng isang residente ng Valenzuela City na piniling wakasan ang kanyang buhay dahil sa patuloy na panliligalig at pagbabanta sa kanya at sa kanyang pamilya ng isang online lending app (OLA).

“Isang click lang sa app, pwede ka nang magkapera,” paliwanag ni Gatchalian. Dagdag niya, “bagama’t karapatan ang paniningil ng utang, hindi ito dapat humantong sa pang-aabuso o, mas malala, sa pagkawala ng buhay.”

Ang panukalang batas na Fair Debt Collection Practices Act ay nagbabawal sa mga nagpapautang na gumawa ng anumang pangha-harass, panggugulo, o pang-aabuso sa mga nangungutang kapag singilan na.

Kasama sa mga tahasang ipinagbabawal ng panukalang batas ang paggamit ng pagbabanta ng karahasan, malaswa o bastos na pananalita, at ang pagsasapubliko ng mga pangalan ng nangungutang.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang lahat ng lalabag ay haharap sa mga parusang administratibo, kabilang ang multang aabot sa P60,000. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here