Home METRO PCG handang tumulong sa paghahanap sa “missing sabungeros”

PCG handang tumulong sa paghahanap sa “missing sabungeros”

294
0

MANILA, Philippines – Handa ang Philippine Coast Guard (PCG) na tumulong sakaling ipag-utos ang pagsisid sa Taal Lake para mahanap ang mga nawawalang sabungeros.

Ayon kay PCG spokesperson Captain Noemie Cayabyab, hinihintay na lamang ang go signal para tumulong sa pagsisid ang kanilang technical divers bagamat amiando siyang may mga hamon pa rin sa kakaharapin sa isasagawang retrieval operation.

Isinaalang-alang kasi rito ang lalim at lawak ng Taal Lake , ang kasalukuyang kondisyon ng Bulkang Taal at ang tagal ng panahon na nasa ilalim ng lawa ang mga labi.

Sakali namang matukoy na ang eksaktong lokasyon sa lawa sa kinaroroonan ng mga labi handa na aniya ang remote-operated vessel ng PCG para sa operasyon.

Ang pahayag ng PCG ng kahandaan na tumulong ay kasunod ng pahayag kahapon ni Justice Sexretary Jesus Crispin Remulla na posibleng simulan ang technical diving operation sa lawa ngayong linggo. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here