MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng House Committee on Persons with Disabilities ang panukala na palawigin ang validity period ng identification cards ng mga persons with disabilities (PWDs).
Sa ilalim ng panukala ang mga ID ng mga may PWD na may permanent disability ay magiging valid sa loob ng 10 taon habang ang may mga temporary disability ay dalawang taon.
Sa ilalim ng National Council for Disability Affairs Administrative Order No. 001-2021, ang PWD IDs ay balido ng 5 taon.
“While the periodic review provision is aimed at preventing system abuse, it places an undue burden on individuals with disabilities. Many find the frequent need to renew their ID inconvenient and unnecessary, especially for individuals whose disability status is not likely to change over some short period,” paliwanag ni San Juan Rep. Ysabel Zamora.
Ayon kay Zamora ang technical working group ay pumabor sa 10-year validity period.
Samantala sa ilalim din ng nasabing panukala, ang mga mapapatunayang gumagamit ng pekeng PWD IDs ay papatawan ng P50,000 hanggang P100,000 multa at pagkakakulong ng 6 hanggang 1 taon.
Maliban sa mga PWDs maaari din na bigyan ng PWD IDs ang mga refugees at stateless persons. Gail Mendoza