MANILA, Philippines – Hiniling ng kampo ni dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr., na ipagpaliban muna ang mga pagdinig sa kaniyang mga kaso.
Ayon kay Atty. Ferninand Topacio, legal counsel ni Teves, bahagyang gumanda na ang kalagayan ng kanyang kliyente.
Ngunit bilang pag-iingat, patuloy na inomonitor ng mga doktor ang kanyang kalagayan.
“As a precaution, he is still on around-the-clock monitoring and is being kept on intravenous support medication, which includes painkillers and antibiotics.Barring any unforeseen medical events, it is expected that his recovery will continue in the days to come.”
At habang nagpapagaling matapos sumailalim sa appendectomy sa Philippine General Hospital, nanawagan si Topacio sa mga korte na may hawak sa kaso ni Teves na ipagpaliban ng dalawang linggo ang mga nakatakdang pagdinig
Ang Manila RTC Branch 12 ang dumidinig sa mga kasong illegal possession of firearms and explosives case habang ang Manila RTC Branch 51 ang may hawak sa mga kasong murder, frustrated murder, at attempted murder kaugnay sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at sampung iba pa noong 2023. TERESA TAVARES