MANILA, Philippines – Nagpahayag ng suporta ang dalawang miyembro ng Bangsamoro Parliament sa panukalang postponement ng kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa pahayag, sinabi ni Amr Mawallil na ang pagkakaalis ng Sulu sa BARMM ay makakaapekto sa distribusyon ng parliamentary seats.
“The exclusion of Sulu from the BARMM necessitates a reconfiguration of parliamentary representation in the Bangsamoro,” ani Mawallil.
“Sulu’s seven seats must now be reallocated, and this cannot be addressed adequately without careful legislative redistricting,” dagdag niya.
Ngayong buwan, naghain si Senate President Francis “Chiz” Escudero ng panukala na naglalayong ipagpaliban ang kauna-unahang regular BARMM elections.
Ito ay kasunod ng hiling ng Bangsamoro Government sa Korte Suprema na ibalik ang Sulu sa Bangsamoro Region.
Matatandaan na noong Setyembre ay pinagtibay ng Korte Suprema ang validity ng Bangsamoro Organic Law, ngunit idineklarang ang Sulu ay hindi na bahagi ng rehiyon.
Sa kaparehong pahayag, sinabi ni MP Rasol Mitmug Jr. na kailangang bisitahin muli ng parliament ang district at seat allocations nito upang masiguro na ang mga mamamayan ng Bangsamoro ay talagang mairerepresenta.
“The current setup must be adjusted, and extending the electoral timeline to 2026 allows us the time needed to address this with precision,” ani Mitmug.
“Every province and constituency in BARMM deserves an equal voice in the Parliament. Redistricting will allow us to respect the new political boundaries established by the Supreme Court’s decision, giving other areas the representation they deserve,” sinabi naman ni Mawallil.
Nitong Lunes, Nobyembre 11 ay sinabi ni Senador Grace Poe na isinasapinal pa ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) ang desisyon nito kaugnay sa panukalang postponement ng BARMM elections.
“BARMM government employees in Sulu are going through a period of transition, and we need to provide them with the time and support they deserve. Resetting the elections to 2026 will ease their adjustment to this new reality,” ayon kay Mitmug.
Ganito rin ang sentimyento ni Mawallil at sinabing ang pagpapaliban ng eleksyon ay magbibigay-daan sa mga opisyal ng Sulu ng “opportunity to ensure a smooth shift that maintains service continuity.” RNT/JGC