MANILA, Philippines – Nais ng business tycoon na si Manuel Pangilinan, pinuno ng Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC), na nais niyang alisin na ang mga barrier sa mga tollway nito pagsapit ng 2025 upang maiwasan ang mga pila at mapaluwag ang mga bottleneck.
Ani Pangilinan, 84% ng vehicle entries sa MPTC tollways ay mayroon nang radio frequency identification (RFID) devices ngunit sa kabila nito ay nagkakaroon pa rin ng pila sa pagpasok at paglabas dahil sa mga barrier.
“The whole point is we wanted it barrierless. We wanted to take them down as soon as possible,” sinabi ni Pangilinan.
“We’ll facilitate the entry and exit of our customers and decongest the tollways because you don’t have to queue up. Even on RFIDs you have to queue up ‘di ba (right)? But if there’s no obstruction because there’s no barriers, you can proceed straight like they do in Hong Kong. It’s so convenient for the motorists,” dagdag niya.
Patataasin din ng kompanya ang adoption ng RFID. Nangangahulugan ito na ang mga sasakyan ay nakarehistro rin sa database ng kompanya at mayroong address kung saan ipadadala ang mga bill kung papasok ang mga ito sa tollways nang walang sapat na load balance.
“In the event there’s inadequate load sa (on the) RFID or no load, then we should have the ability to send you the bill for the amount you owe us,” aniya.
Nasa 84% ng mga sasakyan na dumaraan sa MPTC roads ay mayroon nang RFID.
Ang nalalabing 16% ay nagbabayad pa rin ng cash sa kanilang pagdaan, at hindi nakarehistro sa kompanya dahilan para mahirapan ang mga ito na tuntunin ito sa billing concerns.
“If 84% vehicle entries are RFIDs, because they’re postpaid, then we’re able to send them the bill without having to rely too much on LTO (Land Transportation Office) and eventually, if we move it up to more than 90% of our vehicles are on RFID, then we know who you are already,” sinabi ni Pangilinan.
“So sabi ko (I said) then we can institute the barrierless system sooner than expected if we have our own database,” dagdag pa niya.
Pag-uusapan pa ng MPTC at supplier na EGIS ang patungkol sa barrierless system.
“But if we have the native data within us, then I think hopefully by next year we should be able to implement that, at least in some parts of our tollways that will have no barriers.” RNT/JGC