Home ENTERTAINMENT Chloe, sinabihang retokada, nanupalpal!

Chloe, sinabihang retokada, nanupalpal!

Manila, Philippines- In fairness, maging ang ibang celebrities ay nagagandahan kay Chloe San Jose based on her photos taken in her Tokyo vacation.

While others find her pretty, siyempre ay hindi maiaalis na may mga tao pa ring libangan na ang mambasag ng trip.

Partikular na pinagtripan ng basher ang ilong ng nobya ni Carlos Yulo.

In short, resulta ng matagumpay na cosmetic procedure.

Ayon sa body shamer ni Chloe: “Sinasabi na nga ba, eh, ‘retake’…retoke pa more!”

Dahil there was an obvious misuse of word ay tinanong ito ni Chloe: “What’s ‘retake’?”

It turned out na pasakalye lang pala ‘yon para resbakan ang naturang netizen.

Depensa ng Fil-Aussie beauty: “FYI, I have never undergone surgery on my face/body!”

Mukhang namang nagsasabi siya nang buong katapatan.

For one, bukod tanging ang basher na ‘yon ang may ganoong obserbasyon.

With other celebrities’ positive comments, doon pa lang ay alam na nilang kumilatis kung sumallalim sa nose job si Chloe o hindi.

To top it all, what’s wrong with having a nose job done?

Kung si Alex Gonzaga nga, proud pang ibuyangyang na retokada ang ilong niya, ‘no! Ronnie Carrasco III