MANILA, Philippines – Suportado ng apat na gobernadora sa Bangsamoro ang panukalang iurong ang petsa ng kauna-unahang eleksyon sa BARMM sa susunod na taon.
Sa joint statement nitong Miyerkules, Nobyembre 20, sinabi nina Governors Jim Hataman ng Basilan, Mamintal Adding ng Lanao del Sur, Abdulra Macaque ng Maguindanao del Norte, at Yshmael Sali ng Tawi-tawi, na suportado nila ang panawagan ng Kongreso na ilipat ang eleksyon sa Bangsaomoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARRM) sa Mayo 11, 2026.
Naghain na ng kani-kanilang panukala ang Kamara at Senado kaugnay nito.
“This critical decision arises from the need to address the recent exclusion of the Province of Sulu from the BARMM by the Supreme Court, uphold the principles enshrined in the Bangsamoro Organic Law (BOL), and ensure a credible and inclusive electoral process that reflects the will of the Bangsamoro people,” saad sa joint statement ng apat na gobernador.
Sinabi rin na binibigyang mandato ng BOL ang 8-member parliament, at ang desisyon ng Korte Suprema na alisin ang Sulu mula sa BARMM ay magkakaroon na lamang ng 73-member parliament.
Sa nasabing bilang, tanging 65 na pwesto lamang ang pupunan sa paparating na autonomous polls.
May kabuuang 109 parliamentary aspirants na ang naghain ng kanilang certificate of candidacy para sa 65 pwestong ito.
Ang eleksyon sa BARMM ay itinakda sana sa Mayo 12, 2025. RNT/JGC