Home NATIONWIDE Pagpapaliban sa pre-enrollment para sa online voting pinuri ng DFA

Pagpapaliban sa pre-enrollment para sa online voting pinuri ng DFA

MANILA, Philippines- Pinuri ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapaliban sa pre-enrollment period para sa online voting and counting system (OVCS).

Sa halip na sa March 10, inilipat ang schedule sa March 20 upang matiyak ang maayos na proseso para sa inisyal na implementasyon ng OVCS.

Sinabi ng DFA nitong Sabado na ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) ay “proof of its commitment to safeguard the integrity of elections overseas.”

“The Department hopes Comelec’s decision for postponement shall enable it to ensure that the OVCS passes all the testing and certification required by Republic Act 9369, the Election Automation Law of 2007, prior to its launch,” anito.

Inihayag ng DFA na handa itong ipatupad ang OVCS sakaling ipag-utos ng Comelec at “remains resolute and committed” sa pagtupad sa mandato nito na pangangasiwa ng boto ng rehistrasdong Filipino overseas voters.

Kasado ang overseas voting period sa April 13 hanggang May 12. Bago makaboto ang isang overseas Filipino sa pamamagitan ng OVCS, kailangan muna nilang magpre-register sa www.comelec.gov.ph. RNT/SA