MANILA, Philippines- Nalambat ng mga pulis ang isang senior citizen matapos makuhanan ng shabu at drug paraphernalia sa Taguig noong March 6.
Inihayag ng Taguig police na ang suspek na si alyas Anthony, 61, ay naaresto sa Barangay East Rembo.
Nadakip si Anthony nang magpatupad ang mga tauhan ng Substation 10 ng Taguig police ng search warrant na ipinalabas ni Presiding Judge Gertrude Orquiola-Moldez ng Taguig Regional Trial Court, Branch 163.
Sa pagsisiyasat, nasabat ng mga pulis ang siyam na plastic sachets na naglalaman ng shabu (methamphetamine hydrochloride), na may bigat na 31.6 gramo at nagkakahalaga ng tinatayang P214,880, dalawang disposable lighters, isang nakarolyong aluminum foil na nasindihan na, at folded aluminum foil.
Isinumite ang ilegal na droga sa Southern Police District Forensic Unit para sa laboratory analysis.
Maghahain ng reklamo laban kay Anthony sa Taguig City Prosecutor’s Office dahil sa paglabag sa Sections 11 (possession of dangerous drugs) at 12 (possession of equipment, instrument, apparatus and other paraphernalia for dangerous drugs) ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). RNT/SA