Home OPINION PAGPAPAOSPITAL MASAKIT NA MAGINHAWA

PAGPAPAOSPITAL MASAKIT NA MAGINHAWA

334
0

MASAKIT na maginhawa ang pagpapagamot sa mga public hospital.

Maginhawa dahil paglabas mo, zero billing.

Kahit emergency case ka pa o transfer mula sa ibang ospital.

Sa Ospital ng Maynila o kaya sa Joni Villanueva General Hospital sa Bocaue, Bulacan, hindi tinatanong kung taga-saan ka.

Basta pagdating mo sa mga ospital na ito, tanggap ka.

Sa Ospital ng Maynila, naranasan namin kamakailan lang ang magkaroon ng kasong emergency at mabilis ang responde ng mga doktor, nars at iba.

May pang-ECG, CTSCAN at X-ray at bibigyan ka kaagad ng gamot na kailangan mo sa emergency medicine room.

Problema nga lang ang dami ng tao na nagpapagamot at aabutin ka ng tatlong araw bago ka magkaroon ng kama.

Sa kabila ng kakulangan sa bed, saludo tayo sa pamahalaang Maynila sa ilalim ngayon ni Mayor Isko Moreno sa mabibilis, magagalang at maaasikasong mga doktor, nars, operator ng mga gadget/machine at iba pa.

Sa Joni naman, 24 oras na nakaantabay ang Malasakit Center na nagtitiyak ng zero billing.

Santambak din ang pumapasok sa emergency rito at mabibilis, magagalang at maasikaso rin ang mga doktor dito.

Mungkahi lang natin na magkaroon ng CT SCAN machine na siyang tila kulang kundi man sira noong nagpaospital tayo rito bagamat may X-ray at ECG rin.

Naniniwala tayong mabilis na matugunan ang kakulangang ito nina Senator Joel Villanueva at CIBAC Partylist Rep. Eddie Villanueva.

Isa rin palang pagkakaiba ng dalawa ang usaping wheelchair.

Mas marami ang nagpapagamot sa Ospital ng Maynila kaya may kakulangan talaga ng wheelchair pero sapat ito sa Joni.

Nagtitiwala tayong madaling solusyunan ang problema sa wheelchair ni Mayor Isko, katulong ang Konseho ng Maynila.

‘Yung mga gamot?

Normal kung minsan na walang gamot sa mga pampublikong ospital ngunit sa rami ng nagkakasakit na dumaragsa sa mga ito, karaniwang nauubusan ang mga ito at sa labas ka na lang bumili.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here