Home NATIONWIDE Pagpaparehistro sa 5% toll discount para sa mga agri truckers, gang Okt...

Pagpaparehistro sa 5% toll discount para sa mga agri truckers, gang Okt 31 na lamang

1
0

MANILA, Philippines – May hanggang Oktubre 31, 2026 ang mga truck operator na nagdadala ng produktong agrikultural upang magparehistro sa programang nagbibigay ng 5% diskuwento sa toll fee mula Nobyembre 1 hanggang 30, ayon sa San Miguel Corp. (SMC) Tollways.

Bahagi ang diskuwento ng programa ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Transportation (DOTr) at Toll Regulatory Board (TRB) upang mapababa ang gastos sa paghahatid ng mga produktong agrikultural sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis.

Saklaw ng diskuwento ang mga truck na bumibiyahe sa limang expressway ng SMC Tollways: Skyway System, NAIA Expressway (NAIAX), South Luzon Expressway (SLEX), STAR Tollway at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).

Kailangang may akreditasyon mula sa Department of Agriculture (DA) ang mga truck at nakarehistro sa programa upang makinabang sa diskuwento.

Ayon sa SMC Tollways, “enrollment ends October 31, 2026, and no applications will be accepted after that date.”

Hinimok ng kumpanya ang mga kuwalipikadong truck operator na magparehistro bago ang deadline upang makatipid sa gastos sa paghahatid ng pagkain mula bukid patungo sa pamilihan.

Para sa mga bagong aplikante, kailangang isumite ang kopya ng official receipt at certificate of registration (OR/CR) ng sasakyan, balidong DA Accreditation Certificate at kopya ng Autosweep RFID card na nagpapakita ng account number.

Maaaring isumite ang mga dokumento sa alinmang Autosweep Customer Service Center.

Awtomatiko namang kuwalipikado sa diskuwento sa Nobyembre ang mga truck operator na dati nang nakarehistro, basta balido pa ang kanilang DA accreditation. Kailangang magparehistro muli ang mga may expired na akreditasyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here