Home METRO Pagpapasinaya ng ”LAB for ALL” idinaos sa Malabon

Pagpapasinaya ng ”LAB for ALL” idinaos sa Malabon

89
0

Sa layong mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan at medical sa mga Malabueño, idinaos ang isang turn-over ceremony ng Lungsod ng Malabon ang “LAB for ALL” na medical van noong Lunes.

Pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval ang inagurasyon ng medical van kasama sina City administrator Alex Rosete; G. William Vincent “Vinny” Marcos, anak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Newport World Resorts Foundation Executive Director at Trustee Atty. Walter Mactal, at Ospital ng Malabon Chief Dr. Jennifer Amolo Lim.

Ang Lab for All ay isang flagship program ng First Lady, katuwang ang Newport World Resorts, na ang layunin ay maghatid ng serbisyong pangkalusugan sa iba’t ibang komunidad lalo na ang katutubong populasyon sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga serbisyong medikal at laboratoryo sa pamamagitan ng mobile medical vans. Laboratoryo, Konsulta, at Gamot para sa Lahat.

Ang 22-feet long medical van ay naglalaman ng ng iba’t ibang kagamitan para sa mga laboratory test kabilang ang Hematology analyzer (para sa kumpletong blood count ng CBC), Chemistry analyzer (para sa blood chemistry tests), x-ray, ultrasound, at electrocardiogram (ECG) machine.

Sinabi ni Mayor Sandoval na ang medical van ay isang karagdagan upang maghatid ng de kalidad na serbisyongg pangkalusugan, medikal, at wellness ng lungsod para sa mga Malabueño. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here