MANILA, Philippines – Nasawi ang isang security guard matapos pagsasaksakin ng katrabaho nitong janitor sa Leganes, Iloilo.
Sa imbestigasyon, nag-away ang security guard na si Joven Porcado at janitor na si R-June Pandes matapos na pagbintangan ng una si Pandes na kumuha ng P500 niyang pambayad sana sa parcel.
Samantala, agad na sumuko sa mga awtoridad si Pandes at sinabing nasaksak niya ang biktima dahil napahiya siya sa harap ng mga kasamahan, pambibintang na siya ay magnanakaw.