Home HOME BANNER STORY Pagpapatupad ng NCAP, ibabalik

Pagpapatupad ng NCAP, ibabalik

(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Binawi na ng Supreme Court ang temporary restraining na inilabas laban sa no-contact apprehension policy (NCAP) na ipinatutupad ng mga lokal na pamahalaan at ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Inisyu ng SC ang TRO noong Agosto 30, 2022 matapos maghain ng petisyon ang iba’t ibang grupo na kumikwestyon sa legalidad nito.

Pinagbigyan ng SC En Banc ang petisyon ng MMDA na kailangan nang alisin ang TRO dahil sa posibleng maging problema ito sa gagawing rehabilitasyon ng EDSA.

Tiniyak din ng MMDA na may mga pagbabago naman na silang ginagawa sa sandaling ipatupad muli ang NCAP. TERESA TAVARES