Home TOP STORIES Pagpapatupad ng toll holiday tiniyak ni Revilla na sa lahat ng segment

Pagpapatupad ng toll holiday tiniyak ni Revilla na sa lahat ng segment

Tiniyak ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. nitong Biyernes ng umaga na ang pinakakaabangang suspensyon ng  toll collection sa CAVITEX na inanunsyo ni President Ferdinand Marcos Jr. ay nakatakdang mag-umpisa sa Lunes July 1, 2024,

Ayon kay Revilla, sa pag-uumpisa ng linggo ay kinausap niya si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na maipatupad agad ang  toll holiday sa lahat ng segment, at hindi sa ilang bahagi lamang gaya ng unang  inianunsyo.
“Nakausap ko si DOTR Sec. Jaime Bautista days ago. Binalita nga niya sa akin na sa July 1 ay magsisimula na ang pansamantalang pagsuspinde ng pangongolekta ng toll sa CAVITEX. Hiniling natin na dapat buong CAVITEX na ang sakop, at maganda nga na lahat ng segments ay toll-free na for 30 days,” pagbabahaging tinuran ng Caviteño solon .
Sa pag-uumpisa nitong linggo,  umapela si Revilla sa Toll Regulatory Board (TRB) na madaliin ang paglalabas ng resolution na kinakailangan sa implementation ng naturang  toll holiday.
“Sobra akong natutuwa na finally ay magsisimula na at mapapakinabangan na ng ating mga kababayan ang isang buwan na relief na ito sa pangongolekta ng toll sa CAVITEX. Maraming salamat sa ating Pangulong Bongbong Marcos for making this happen. Tunay na makikinabang dito ang  ordinary Filipino na gumagamit ng CAVITEX,” sabing pagtatapos ng mambabatas. RNT