Home NATIONWIDE Pagpapauwi sa Pinas ngayong araw kay Alice Guo isinasapinal na – PBBM

Pagpapauwi sa Pinas ngayong araw kay Alice Guo isinasapinal na – PBBM

MANILA, Philippines- Isinasapinal na ang ang pagpapabalik sa Pilipinas ngayong araw ng Miyerkules, Setyembre 4, kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na naaresto ng mga awtoridad sa Tangerang City, Jakarta, Indonesia.

Sa isang ambush interview kasunod ng situation briefing ukol sa epekto ng Tropical Storm “Enteng” sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, sinabi ng Pangulo na hindi na kailangan pa ng marching order ng mga awtoridad para kumilos ang mga ito.

“They don’t require marching orders, they’re doing, they’re implementing the legal orders that were sent to them by the court and that is to bring back the fugitive Alice Guo to the Philippines, so that is what they are doing,” ayon sa Pangulo.

“We’re already finalizing the arrangements for the return of Alice Guo back to the Philippines some time today,” dagdag na wika nito.

Sa kabilang dako, “You’ll find out soon enough” naman ang naging tugon ng Pangulo sa tanong kung sino-sino ang masisibak sa pagkakatakas ni Alice Guo sa Pilipinas.

Tiniyak ng Pangulo na ang lahat ng dawit sa pagtulong para ilegal na makalabas ng Pilipinas si Alice Guo bilang isang ‘takas sa hustisya’ ay pananagutin.

“Ang tanong niyo, sino sisibakin? Hindi lang namin sila sisibakin, kakasuhan pa namin sila dahil ang kanilang ginawa ay labag sa batas at against all of the interests of the Philippine judicial system,” pagtiyak ng Pangulo. Kris Jose