Home HOME BANNER STORY Pagpasa ng Anti-Dynasty, People’s Commission Law prayoridad ni PBBM

Pagpasa ng Anti-Dynasty, People’s Commission Law prayoridad ni PBBM

281
0

MANILA, Philippines – Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Kongreso na iprayoridad ang pagpapasa ng Anti-Dynasty Bill at panukalang Independent People’s Commission (IPC) Act.

Ito ang inihayag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro.

May ilang batas naman ang  inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado na naglalayong bigyang-bisa ang probisyon ng  1987 Constitution na nananawagan para sa pagbabawal ng political dynasties.

Ang dalawang Senate bills sa paglikha ng IPC, ay naghahangad na makapagtatatag ng permanente,, independent, non-partisan commission na may atas na iimbestigahan ang di umano’y anomalya at korapsyon  sa lahat ng government infrastructure projects na may iba’t ibang levels, mula national, local government unit (LGU), at government-owned/controlled corporation (GOCC). (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here