Home NATIONWIDE Pagproseso sa AICS ayuda, bibilis pa sa DSWD satellite offices

Pagproseso sa AICS ayuda, bibilis pa sa DSWD satellite offices

718
0

MANILA, Philippines – Mas magiging madali na ang pagproseso sa pagkuha ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay dahil sa paglalagay ng mga satellite office sa iba’t ibang lugar sa mas mabilis na pagproseso.

Sa ulat, nagsimula nitong Huwebes, Hunyo 1 ang implementasyon na hindi na lamang sa main office maaaring iproseso ang AICS.

Para sa mga nakatira sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela ay maaaring magpunta umano sa CAMANAVA office ng DSWD na matatagpuan sa Victory Trade Plaza para sa AICS.

Sa mga nakatira naman sa Pasay, Paranaque, Muntinlupa at Las Pinas ay maaaring puntahan ang DSWD Baclaran Satallite Office sa Victory Food Market.

Para naman sa mga taga-Norzagaray, Sta. Maria, Angat at San Jose Del Monte, Bulacan ay maaaring magpunta sa DSWD SJDM Satellite Office sa Barangay Kaypian.

Sa lungsod ng Maynila, San Juan, Mandaluyong at Makati ay maaari ring magpunta sa DSWD NCR Regional Office at sa Quezon City ay sa DSWD Central Office.

Inaasahan na magbubukas na rin ang mga satellite office sa Pasig at Rodriguez, Rizal. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here