Home NATIONWIDE Pagsabog ng firecracker depot sa Zambo tinatalupan ng DOLE

Pagsabog ng firecracker depot sa Zambo tinatalupan ng DOLE

MANILA, Philippines- Nakatakdang imbestigahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang posibleng paglabag sa occupational safety and health standards sa pyrotechnics warehouse kasunod ng matinding pagsabog na pumatay sa limang katao sa Zamboanga City noong Sabado.

Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na inatasan niya ang DOLE-Zamboanga Peninsula upang imbestigahan ang pagsabog na ikinasugat din ng 38 iba pa at nag-iwan ng malaking butas sa lupa.

Sinuspinde na ang operasyon ng firecracker warehouse sa Barangay Tetuan habang ito ay iniimbestigahan.

Pagtitiyak ng kalihim, magbibigay ng tulong sa mga apektadong manggagawa.

“If workers are displaced, temporary emergency employment can be provided,” dagdag pa ni Laguesma. Jocelyn Tabangcura-Domenden