Home NATIONWIDE Pagsali sa mga magulang sa programa sa mental health, anti-bullying, paiigtingin ng...

Pagsali sa mga magulang sa programa sa mental health, anti-bullying, paiigtingin ng DepEd

242
0

MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Department of Education (DepEd) na isasali ang mga magulang at tagapag-alaga sa “Kaagapay Program” upang palakasin ang mental health at anti-bullying initiatives sa mga paaralan.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, kapag nagtutulungan ang pamilya at paaralan sa paghubog ng asal at pag-unawa sa karanasan ng bata, mas napapangalagaan ang mga mag-aaral at gumagaan ang trabaho ng mga guro.

“Bilang magulang din, alam natin kung gaano kabigat na responsibilidad ang pag-aalaga at pag-gabay sa bata,” sabi ni Angara.

May P100 milyon na ilalaan para sa programang ito, na isasagawa sa pamamagitan ng parent engagement sessions, advocacy campaigns, at participatory activities upang matutunan ng magulang ang socio-emotional needs, maagang palatandaan ng bullying, at tamang suporta sa bahay.

Bukas ito sa lahat ng magulang at tagapag-alaga ng public elementary at secondary school learners, at boluntaryo ang pagsali. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here