Home METRO Pagsampa ng kasong kriminal vs may-ari ng lumubog na M/V Trisha Kerstin...

Pagsampa ng kasong kriminal vs may-ari ng lumubog na M/V Trisha Kerstin 3, hiniling ni Sen. Raffy

178
0

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Senador Raffy Tulfo nitong Huwebes na magsampa ng criminal case laban sa mga may-ari ng Aleson Shipping Lines matapos lumubog ang barkong M/V Trisha Kerstin 3 sa waters ng Basilan, kung saan higit 50 katao ang namatay.

Ani Tulfo sa Senate hearing: “File a criminal case against Aleson, the owners especially. Kasi ang mga may-ari ang may kapabayaan dito. Alam nila na bulok ‘yung barko nila and yet pinalarga pa rin nila… dahil 31 years old na.”

Sinabi ni Transportation Assistant Secretary Manuel Cabochan III na magsasampa rin ang Department of Transportation (DOTr) ng administrative cases laban sa isang MARINA regional director, pitong technical personnel, at siyam na personnel ng Philippine Coast Guard (PCG), kasama ang station commander. Lahat sila ay nasa preventive suspension.

Natuklasan ng DOTr na lumabis sa passenger capacity ang barko—352 authorized passengers ngunit may inconsistency sa manifest at mga na-recover na katawan. Mayroon ding cargo overloading na posibleng nakaapekto sa stability ng barko, at may safety violations bago ang biyahe.

Dagdag pa ni Tulfo, ang barko ay 31 taon na, lampas sa karaniwang 30 taon na dapat i-retire ang steel-hulled vessels. Binanggit niya na hindi dapat administratibo lamang ang kaso at dapat kriminal ang pananagot sa may-ari.

As of report, may 293 survivors, 52 patay, at 24 nawawala. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here