MANILA, Philippines – Nanawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) na isaalang-alang sa “full and proper context” ang mga opisyal na pahayag ng Pilipinas sa foreign policy, habang pinadadaloy ang pakikipag-usap sa pagitan ng mga mambabatas at Chinese diplomats tungkol sa South China Sea dispute.
Ayon kay DFA Maritime Affairs spokesman Rogelio Villanueva, tinatanggap ng ahensya ang “diversity of opinion inherent in our democratic tradition” at hinihikayat na ang mga pahayag tungkol sa foreign policy ay suriin nang maayos, lalo na sa isyung may direktang epekto sa pambansang interes.
“The DFA calls for constructive engagement that advances the country’s shared defense of its position in the West Philippine Sea, consistent with President Marcos’ independent foreign policy and in accordance with international law,” dagdag niya.
Sa kabila ng patuloy na “word war” sa pagitan ng mga opisyal ng Pilipinas at Chinese diplomats, sinabi ni Villanueva na nananatiling bukas ang linya ng komunikasyon sa China para sa “candid, constructive dialogue and practical cooperation.”
Pinuri rin ng DFA ang kahandaan ng Senado na makipagpulong sa Chinese embassy bilang “opportunity for frank, cordial, and professional discussion” upang malinaw na matalakay ang magkakaibang posisyon at tukuyin ang mga puwang para sa pagkakaunawaan.
Iginiit ni Villanueva ang soberanya ng Pilipinas sa mga teritoryo nito, kabilang ang Bajo de Masinloc at high-tide features ng Kalayaan Island Group, pati na rin ang maritime entitlements alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea at 2016 Arbitral Award.
“Ang mga karapatang ito ay firmely grounded in international law, established legal principles, effective control, at recognition through international treaties and agreements,” sabi niya.
Sinabi rin niya na ang bagong inilabas na mapa ng Pilipinas ng national mapping agency ay “nothing new” at isang administratibong tool para sa government planning at resource management.
Binigyang-diin ng DFA ang patuloy nitong pangako na protektahan ang soberanya, sovereign rights, at maritime jurisdiction ng bansa sa pamamagitan ng epektibo at prinsipled diplomacy. RNT/MND