Home NATIONWIDE Pagsasaayos ng NEDA sa Dep’t of Economy, Planning, and Dev’t lusot sa...

Pagsasaayos ng NEDA sa Dep’t of Economy, Planning, and Dev’t lusot sa ikatlong pagbasa sa Senado

MANILA, Philippines- Inaprubahan ng Senado nitong Lunes sa huli at ikatlong pagbasa ang panukalang nagsasaayos sa National Economic Development Authority (NEDA) bilang Department of Economy, Planning and Development (DEPDev).

Inaprubahan ang Senate Bill 2848 o ang Economy, Planning, and Development Act sa 18 affirmative votes, zero negative votes, at zero abstention.

Sa ilalim ng panukala, ang DEPDev ang magiging pangunahing policy planning, coordinating, at monitoring arm ng Executive Branch ng pamahalaan sa national economy.

Inaatasan itong lumikha ng “continuing, integrated, and coordinated policies, plans, and program for national development” ng bansa na pagdedesisyunan ng Economy and Development Council (ED Council).

Dapat tiyakin ng departamento ang pagkakahanay ng national at sub-national policies, plans, at programs patungo sa pinakamahusay na paggamit ng financial at economic resources, at pangangasiwaan ang public investment program ng bansa.

Dapat din itong magbigay ng “impartial, objective, and evidence-based analyses and recommendations” para sa ikauunlad ng bansa.

Ang isponsor ng panukala ay si Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri, chairperson ng Senate committee on economic affairs.

“With DEPDev at the helm, we can look forward to better economic planning, implementation which will translate to more jobs, more income, and more development on the ground,” ani Zubiri. RNT/SA