MANILA, Philippines- Pinuri ni Sen. Cynthia A. Villar ang pagsasabatas sa panukalang nagpapataw ng matinding parusa laban sa mga smuggler, profiteers, hoarders at kartel ng mga produktong pang-agrikultura at pangisdaan.
Sa isang seremonya sa Malacanang noong Setyembre 26, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No.12022 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act. Kasamang dumalo ang ilang senador at kongresista, mga opisyal ng Department of Agriculture, at ilang agricultural private groups. Cesar Morales