MANILA, Philippines- Nakatakdang magpasya ang Commission on Elections (Comelec) en banc sa isang concurrent resolution ng House of Representatives na naglalayong isama ang 10 Enlisted Men’s Barrios (EMBO) barangays sa dalawang legislative districts ng Taguig City at munisipalidad ng Pateros.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ang en banc resolution ang magdedesisyon kung paano boboto ang mahigit 200,000 rehistradong botante sa mga barangay ng EMBO at maayos na maikakatawan sa Lower Chamber para sa 2025 national at local elections (NLE).
Sila ay kasalukuyang makaboboto para sa mayor, vice mayor, partylist, senators, Sangguniang Panlungsod bilang residente ng Taguig City.
Sinabi ni Garcia na nakatanggap ang Comelec ng concurrent resolution na ang tatlo ay isinama sa kabilang distrito at ang pito ay isinama sa kabila.
Aniya, nasa Comelec na upang desisyunan dahil kung hindi ito gagawin at hindi aaksyunan ng Kongreso ay hindi makaboboto ang mga mamamayan ng 10 barangay ng kanilang kongresista sapagkat hindi sila kabilang sa kahit anong distrito .
Kapag dumating aniya ang susunod na linggo sa paghahain ng candidacy, kung may mag-aambisyon sa 10 barangay na tumakbong congressman, hindi aniya nila alam kung saang distrito sila tatakbo.
Nauna nang sinabi ng Comelec na ang mga barangay ng EMBO sa Taguig ay hindi makakaboto ng kongresista sa Eleksyon 2025 dahil hindi sila kasama sa ano mang legislative district.
Noong nakaraang Huwebes, inilabas ng poll body ang Resolution 11069 na pinagtibay ang mga rekomendasyon ng Election Records and Statistics Department (ERSD) nito at ng Office of the Deputy Executive Director for Operations (ODEDO) na magpatibay ng Taguig City Ordinance 144, na nag-aapruba sa pagsasama ng mga barangay sa una at ikalawang legislative district ng lungsod at pagtaas ng bilang ng mga pwesto para sa Sangguniang Panlungsod mula walo hanggang 12 para sa bawat distrito ng konsehal.
Ang First Legislative at Councilor District ay kinabibilangan ng:
Comembo
Pembo
Rizal
Ang Second Legislative at Councilor District ay ang mga sumusunod:
Cembo
South Cembo
East Rembo
West Rembo
Pitogo
Post Proper Northside






