MANILA, Philippines- Inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil si bagong Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Brig. Gen. Nicolas Torre na pangunahan ang full-scale internal cleanup ng CIDG upang ibalik ang integridad at public confidence.
“The CIDG must set the highest standard of professionalism and ethical conduct,” pahayag ni Marbil sa opisyal na pag-upo ni Torre bilang 49th chief ng CIDG sa simpleng turnover ceremony sa Camp Crame nitong Huwebes ng hapon.
“I have complete trust in Brig. Gen. Torre’s ability to address the challenges within the CIDG. His proven track record shows his capability to confront these issues head-on, and I am confident he will take on this mission with unyielding commitment,” dagdag niya.
Pinangasiwaan ni PNP Chief of the Directorial Staff Lt. Gen. Jon Arnaldo ang turnover ng opisina mula kay Maj. Gen. Leo Francisco patungo kay Torre.
Lumipat si Francisco sa Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU).
“There’s no room for complacency or misconduct within the CIDG. We must identify and address any wrongdoing, ensuring that the CIDG maintains its critical role in our law enforcement operations,” giit ni Marbil.
“Every member of the CIDG must be held accountable for their actions. The public deserves transparency, and we are committed to showing that the PNP stands firmly for the rule of law,” dagdag niya.
Nagpasalamat naman si Torre sa tiwalang ibinigay sa kanya at kinilala ang mga natamo ni Francisco.
Kasunod ang pagkakatalaga kay Torre mahigit dalawang linggo matapos ang matagumpay na pangangasiwa sa 16-day operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy at apat pang wanted na indibidwal para sa qualified trafficking sa loob ng compound ng religious group sa Davao City. RNT/SA