Ikinatuwa ni Senador Cynthia Villar ang pagsasabatas ng Magna Carta of Filipino Seafarers, na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw, Setyembre 23,sa Malacañang.
Ayon kay Villar na isa sa co-author ng batas, at matagal ng supporter ng mga Filipino seafarers, ginagarantiyahan nito ang proteksyon ng mga karapatan at kapakanan ng mga domestic at overseas seafarers at tinitiyak nito ang pantay na opportunidad sa ating maritime industry na naaayon sa domestic at international law. (Cesar Morales)