Home ENTERTAINMENT James, nagsalita na sa pag-alis ni Liza!

James, nagsalita na sa pag-alis ni Liza!

Manila, Philippines – Nasa kontrata palang pinirmahan ni Liza Soberano sa Careless Music ni James Reid ang kalayaan na umalis ito kung ayaw na niya.

Matatandaang mismong ang kumpanya ni James na humahawak ng mga artists at isang record label na rin ang nag-anunsyo sa

Instagram na hindi na nila hawak si Liza.

This after netizens have taken notice of Liza unfollowing Careless Music in her social media account.

Limang taon ding naging bahagi si Liza ng nasabing kumpanya.

Was it a bitter goodbye?

Ayon mismo kay James, on the contrary ay hindi raw.

Paglilinaw niya: “I’m not an angry person. It takes a lot to get me upset.”

Wala raw bad blood na namamagitan sa kanilang dalawa.

Nauunawaan naman daw ni James si Liza who’s more focused on her career in Los Angeles habang siya nama’y dito sa Pilipinas.

Tanggap din daw ni James that Liza–aside from managing herself–has found another management company: ang LA Transparent Arts.

Despite their professional falling out, nananatili raw na nakasuporta si James sa mga endeavors ni Liza.

Samantala, opisyal nang itinawalag ni James ang kanyang business partner na si Jeffrey Oh.

Accompanied by his lawyer Atty. Rodel de Guzman, malamang daw na kasuhan nila si Jeffrey dahil sa ‘di maipaliwanag na P100M na

ginastos nito.

July 2, 2024 when James terminated Jeffrey na balitang nakalipad na sa LA.

“He tricked me!” maring sabi ni James tungkol sa pinagkatiwalaan pa mandin niyang business partner. Ronnie Carrasco III