MANILA, Philippines- Inihayag ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na lumikha ito ng competency standards sa content creation, na maaaring magamit ng training centers bilang basehan para sa mga programang iaalok sa mga estudyante.
Sinabi ng TESDA na binuo ang competency standards katuwang ang Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc. (KBP), at nilalayong magturo ng mga kasanayang kinakailangan upang makapag-prodyus at makapagbahagi ng content sa social media.
Kabilang umano sa core competencies ang pagbuo ng mga konsepto para sa social media posting, paglikha ng content para sa nasabing konsepto at kung paano ito ipakakalat.
“Many of our kababayans are very talented and resourceful, and I am confident that if given the right skills, they will be better positioned to create content that resonate better with their audience, foster meaningful connections, and ultimately contribute significantly to society,” pahayag ni TESDA secretary Suharto Mangudadatu.
Ayon pa kay Mangudadatu, tutugunan ng programa ang pangangailangan para sa “quality training” na magtutulak sa mas maraming Pilipino sa content creation, at tuturuan ang mga estudyante kung paano mapahuhusay ang kalidad ng content na inia-upload nila sa mga plataporma.
“Virtual networks and communities have enabled us to connect with our audience, build awareness, and strengthen engagement,” pahayag ni Mangudadatu.
“However, the effectiveness of our efforts relies heavily on the quality and relevance of the content we share. In light of this, our content creators must be well-equipped with the skills and knowledge necessary to produce compelling and engaging content,” dagdag niya.
Sa ilalim ng mandatong ito, tungkulin ng TESDA na pangasiwaan ang technical education at skills development. RNT/SA